i woke up at around 3pm today just to watch tora dora.. hehehe.. parang bata noh? Well yeah. i still love watching cartoons.. wala naman masama diba? It’s one way of making myself happy..
It’s Sunday and I should go to church di ba? But I’d prefer to go an early mass tomorrow.. Mas masarap kasi magsimba eh.. kakatamad this day.. i have nothing to do.. Home alone.. wala si ermat at erpat.. wala si bagets, wala lahat dito ako lang tao.. nagugutom na nga ako eh.. All we have is the Caldereta I cooked last night eh..
haay.. I just finish taking quizzes sa Facebook.. One of thebest quiz i had eh yung kung totoo akong TUPian.. Well I took that quiz 3 times.. andaya noh? Well feeling ko ksi kung sino ung gumawa nung quiz na un is not Stupident tlga.. hehehhe..
Just realize I missed being in school.. ung tipong ang iisipin ko lang is baon ko for today, kung malelate ako sa klase ko, assignments ko na kokopyahin ko din naman eventually sa mga masisipag kong klasmeyts, kung san ko plano gumala that day at kung panu ako makakauwe ng maaga pra iwas traffic.
as i was answering that quiz, nag flashback lahat sakin, kung panu ako papasok ng umaga, tatambay sa ilalim ng puno puno dun.. kung panu ko matatapos ng mabilis ang assignment ko na kinokopya ko knowing i only have 30 mins left before ko ipasa ung assignments na un.. na dapat mabilis kong makopya na hindi ko magawa-gawa kasi dadating pa lahat ng mga siraulo mong kaklase pra bulihan ka.. hehehe.. nakakamiss din un eh.. na super sila magkukwentuhan na kahit gusto mo sumabat di ka makakasabat kasi kelangan mo matapos ung assignment mo..
naalala ko din ung mga time na kakain kme ng tanghalian ng sabay-sabay, kung hindi sa jeps, sa maans, sa penny’s, sa st paul’s, sa boybengs, sa pipoy’s, at syempre makakalimutan ko ba ang bolababs at kapampangan keni.. hehehe
ang bolababs na nagtitinda ng breaded porkchop at noodles na aabutin ka ng ten thousand years bago maluto.. ang kapampangan keni na always namin pinipilahan kahit ganu kaiinit at kasikip.. bawal tumambay ng matagal dun ksi madami pa kakain.. hehehe..
i also remember na kapag 4 to 5 hours ang vacant ko.. asahan n asa SM lang ako pra magpalamig.. minsan kapag my extra money ako.. nuod ng sine.. kapag wala ako pera.. SM lang.. tamang libot lang from ground floor gang fifth floor.. pahirap lang sa sarili.. hehehe..
tapos nung nag boarding house ako, every night na kakain sa yum-yum na kahit puro mantika sobrang sarap padin kumain dun.. hehehe.. na kapag napasarap kme ng kwentuhan ni Rina o khit tipong may puyatang nagaganap sa Bhauz aba, asahan n bibili p kame sa nag iisang 24Hrs na tindahan dun, kina Viva Laraza na hindi pdeng hindi namin makikita si Kuya na nakasuot ng puting short at puting sando.. hehehe.. araw-araw ksi un ang suot nya.. hehehe..
inaamin ko, i am never a good student.. hindi ako studious.. ewan ko ba kung bakit ganun.. hehehe.. cge.. paminsan minsan naman nag-aaral ako.. pwo kadalasan.. nagcocomputer ako.. mura lang ksi rent ng computer sa TUP, 10 to 15 Php ang rate nun.. hehehehe kya yakang kaya ng bulsa ko.. hehehe.. tapos.. kung di man ako nagcocomputer.. syempre nakikipag bulihan ako sa mga housemates.. kung hindi naman nila ako binubuli.. nakikipag tong-its sila skin, o kya naman BINGO at syempre ang hindi ko makalimut-kalimutang Bomberman.. na lagi pinagtutulungan si Dennish pra ma-out agad.. hehehe.. minsan ako din ganun ginagawa nila.. pwo mas madalas padin si dennish.. hehehe.. kamusta n nga kaya un?
ang pinaka-gusto ko ginagawa nung mga panahon na un? syempre pa ang walang kamatayang inuman session sa bhauz.. khit sino invited.. khit sino pde magpunta ang mahalaga imbitado.. my mga times din n nagluluto kme ng walang kamatayang pansit pag may bday ang isa o dalawa o kahit anu basta my ipagcecelbrate.. hehehe..
nakakatuwang isipin n lahat ng un eh puro comedy sa buhay ko na nagturo ng kung anik anik sa life ko.. natuto ako uminom, natuto ako makisama, natuto ak ng tumawa ng malakas, natutuhan ko na sila ang kaibigan n hinahanap ko, na we jive together, natuto ako magmahal (kelangan ba lagi my special mention na ganun, move on kna db?), natuto ako humarap sa problema sa buhay, to decide for myself, to deal on whatever na dumating sa buhay ko, to be strong and brave ksi alam kong may mga kaibigan akong andyan lagi to support me. kahit siraulo ung mga un kpag kelangan mu tlga ng kaibigan anjan sila.. that’s why i am proud of them..
Hindi naman lagi kme gimiks nung mga un.. syempre dumadating din ung time n mejo nagkakatampuhan.. pwo ang maganda dun.. we manage ourselves na magkabati at magkaaus at maging dahilan ng mas malalim na pagsasama..
hehehe.. ito pla nagagawa ko kapag wala ako magawa.. hehehe..